Monday, June 14, 2010

Hunyo 30, 2010

Sa loob ng dalawang linggo, magpapalit na ng pangulo ng bansa. Isasalin na ni Gloria Macapagal-Arroyo kay Benigno Simeon C. Aquino III ang kapangyarihang mamuno na sa ating pamahalaan, at umugit ng mga patakaran, programa at gawaing naaayon sa pangakong pagbabago.

Sabik na sabik na ang mamamayan sa pagsalin ng kapangyarihan, pagka’t matagal na nilang tiniis ang walang habas na korapsyon at masamang pamamahala ng ating pamahalaan sa ilalim ng walang kasing tibay at tatag dahil walang kasing kapal na si GMA. Bagama’t ninakaw ng dalawang beses ang kapangyarihan, siya pa rin ang pangulo, at nakuha niyang talunin ang maraming umaway sa kanyang liderato. Ngunit dahil sa lahat naman ay may katapusan, inaasahang katapusan na ni Donya Gloria sa huling araw ng Hunyo, na siya ring umpisa ng pamahalaan ng bagong halal na pangulo ng bansa na si Noynoy Aquino.

Ngunit kaakibat ng pagkakagiliw sa pagsalin ng kapangyarihang iyan sa Hunyo 30 ng taong kasalukuyan ay ang pag-asa ng sambayanan na magkaroon na ng tunay na pagbabago mula sa araw na iyon. Ipinangako ni Noynoy noong nagdaang halalan na kanyang tatapusin ang kanser ng korapsyon, na siya niyang sinisi kung bakit patuloy na sadlak sa kahirapan ang nakararami. “Pag walang korap, walang mahirap,” wika niya.

Kaya’t sa lahat ng kanyang mga pangako at programang nais itaguyod, malinaw na ang prayoridad ay nasa pagsugpo ng korap syon. Ngunit paano?

Una sa lahat, dapat ay magtalaga siya ng mga katulong, sa gabinete at mga ahensya ng pamahalaan, ng mga Pilipinong hindi sangkot sa katiwalian, at hindi nang-abuso ng kapangyarihan noong sila ay napagbigyan ng pwesto sa pamahalaan, bilang halal o hirang.

Pangalawa, dapat ay magbigay ang bagong pamahalaan ng ehemplo, sa pamamagitan ng pag-usig sa mga malinaw na nagkasala sa bayan o umabuso ng kapangyarihan at nilabag ang ating mga batas. Liban sa mag-asawang Arroyo, dapat ay usigin ang mga kasali sa ZTE-NBN, fertilizer scam, at marami pang iba. Dapat ding ala min ang tunay na yaman o pag-aari hindi lamang ng mga Arroyo kundi maging ang mga alipores at kasabwat nila, at tingnan kung ang mga ito’y hindi maisplika ng kanilang legal na pinagkakitaan. Kailangang ipakita sa lahat, maging sa ibang bansa sa daigdig, na hindi makalulusot ang pagnakaw sa kaban ng bayan.

Pangatlo, dapat na linisin at repormahin ang hudikatura, na totoo namang napakabulok, sapagkat kung hindi ito babaguhin, lalamunin lang ng sistema ang mga pagbabago at repormang nais isagawa ni Noynoy. Tanggalin ang mga bayarang mahistrado, huwes, piskal, at iba pang sumisira sa tunay na katarungan. Kapag hinayaan ang mga ito, hindi rin tatagal at muli na namang iiral ang sobrang korapsyon sa sistema ng katarungan, at mapapariwara na muli ang ating demokrasya.

Pang-apat, ipakita sa bayan na totoong walang hahayaang uma buso ng kapangyarihan, o magpasasa sa kaban ng bayan, lalo na sa kanyang mga hirang. Dapat ay matigil na ang tinatawag na “impunity”, o kultura kung saan walang napaparusahan basta’t mala kas. At naaayon ito kay Noynoy Aquino, o P-Noy na nais niyang taguri mula sa Hunyo 30, 2010, sapagka’t siya mismo ay simpleng-simple ang pamumuhay, at mamumuno sa pamamagitan ng maa yos na ehemplo.

Kapag nakita ng sambayanan na seryoso ang susunod na pamahalaan sa pagsugpo sa korapsyon, titino at titino ang pamahalaan maging ang taong-bayan. Susunod sa batas, dahil may takot dito.

agkakadisiplina ang taong-bayan, dahil alam na hindi madaraan sa lakas ang paglusot sa paglabag sa batas. Sa malaon at madali, mababago ang kulturang ipinariwara sa maraming mga taon, at maiibsan ang kahirapan ng nakararami dahil magiging maayos ang pagbigay ng nararapat na serbisyo publiko sa lahat.


(banayo_at@yahoo.com)

ABANTE para sa Miyerkules, ika- 15 ng Hunyo, 2010


No comments:

Post a Comment