Sa daan-daang nagsipagpadala ng text messages at e-mail, o tawag sa telepono na ang iba’y hindi ko na nasagot, o hindi pa nasasagot sa e-mail, marami pong salamat sa inyong pagbati, kalakip ang pa nalangin na nawa’y maging karapat-dapat sa inyong tiwala, maging sa Pangulong Noynoy Aquino.
Sa loob ng tatlong araw mula nu’ng Huwebes na nagdaan kung kailan ako pumasok sa tanggapan ng National Food Authority, patuloy kong inaalam ang mga masalimuot na suliranin ng naturang ahensiya at nang makapagplano nang wasto sa dapat na gawin. Maging nu’ng Sabado, ako’y nakipag-meeting sa ilang mga nakakaalam ng kalakalan ng bigas, matapos na dalawin ang ating kaibigang si Arsobispo Oscar Cruz upang makidalangin at humingi ng basbas. Noong Linggo naman, anupa’t ang sermon ni Monsignor Gerry Santos ay ukol sa “compassion”, ang pagtulong sa mga mahihirap, na sa katunayan ay siya ring pangunahing layunin sa pagtatag ng NFA. At ang aking pinagsisimbahan kapag Linggo ay ang simbahan ni San Isidro, patron ng magsasaka.
Pagkat pangunahing responsibilidad ng NFA ay tulungan ang mga magsasaka upang makatanggap ng sapat na kita sa kanilang palay at mais at nang hindi mabiktima ng ilang mga mapagsamantalang “middlemen”. Dapat ay kumita sila at nang hindi tigilan ang pagtanim ng mga pangunahing pagkain ng mga Pilipino. Subalit, responsibilidad din namin na siguruhing may sapat na bigas sa merkado at sa presyong abot-kaya, ma ging ng mga mahihirap.
Sa pitak na ito, nais ko lamang linawin ang mga patama galing sa ilang sektor ng media ukol sa pagkakahirang ko bilang pinuno ng NFA. Binigyan kasi ng anggulong ito’y pagbibigay kay Senador Ping Lacson ng kasalukuyang administrasyon. Napaka-unfair sa senador na hanggang ngayon ay wala sa bansa, dahil nga sa naging biktima ng hindi patas na hustisya mula sa pamahalaang Arroyo. Huwag sana nating kalimutan na minadali ni Agnes Devanadera ang pagsasampa ng kaso kay Lacson batay sa napatunayang pagsisinungaling ni Cezar Mancao sa korte na ang basehan pa man din ay hearsay na, fabricated pa. Malinaw pa nga na matapos na magpalabas ng warrant of arrest si Judge Myra Garcia Fernandez ng RTC-Manila ay kaliwaang hinirang siya sa Court of Appeals bilang kabayaran ng nagdaang rehimen. Dahil dito ay hindi nakapagkampanya si Lacson para kay P-Noy at kami namang mga malapit sa kanya ay tumulong sa pagpapanalo kay P-Noy dahil sa aming taimtim na paniniwalang siya ang magbibigay ng tunay na reporma at pagbabago sa ating kaawa-awang bansa.
Nagkataong nagkasabay ang pag-anunsyo ng aming appointment ni Gen. Magtanggol Gatdula, isang karapat-dapat na abogado at mahusay na opisyal ng kapulisan, bilang bagong Director-General ng NBI. Tanong ko nga lamang sa mga pilit na ginagawan ng malisya ang pagkakahirang sa akin na tila ba’y pagbibigay kay Ping Lacson -- bakit, ano ba ang magagawa ng NFA para sa kanyang suliranin sa batas? Padadalhan ko ba siya ng libreng bigas, sakaling siya’y madetine sa kung saan pagbalik niya?
Hintayin na lang sana natin ang resolusyon ng kanyang mga mosyon sa korte, dahil wala na sa kamay maski ng DOJ ang kaso, matapos na isinampa ni Devanadera at mga tuta niya.
Gayunpaman, ipinagmamalaki ko ang pagiging kaibigan ni Ping Lacson. At kung ang pag-uusapan ay ang NFA, ito ang tahasan kong sasabihin: Korapsyon at kapalpakan ang ugat ng maraming suliranin ng NFA, lalo na sa nagdaang rehimeng Arroyo na walang habas na pinagsamantalahan ma ging ang sektor ng agrikultura. At si Ping Lacson ay hindi korap at laban sa korapsyon. Wala namang human rights na isyu sa NFA, para sa mga naninira sa kanya.
Iyan po ang pagpapalinaw ko ukol sa walang basehang pilit na pagdikit kay Lacson sa aking pagkakahirang. Mag-isip naman sana ang ilan bago bumatikos o pumuna.
(banayo_at@yahoo.com)
ABANTE para sa Martes, ika-13 ng Hulyo, 2010
Mt. Bachelor, located just minutes from Bend, Oregon, longest groomed Nordic season in North America, running from mid-November through late-May. 5 of 7 day lift pass that includes free bus shuttle services
ReplyDeletego123movies
On Aug. 21 from 4:30-5:30 p.m. on the first floor of Tift Hall and bachelor’s and master’s degrees in health and physical education from Georgia College and State his junior season as an outfielder, and
Good Day Everyone! π«Άπ»
ReplyDelete
Are you currently looking for a Personal Cash Loan? We are here to help you!
Our loan program is tailored to your financial needs for various purposes, including:
WhatsApp: +63 956 234 5817
➡️Home Renovation/Improvement
➡️Personal Cash Loan
➡️Small loans
➡️Personal loans
➡️Car loans
➡️Emergency loan
➡️Housing loan
➡️Business loan
π Educational Needs
π₯ Medication/Hospital Bills
π Working Capital
✈️ Travel
π Livelihood Projects
...and more!
WhatsApp: +63 956 234 5817
We also Offer:
✅️ Salary/Employed Loans
✅️ Unsecured Business Loans
✅️ OFW Loans
✅️ Sanla Titulo/OR-CR
Loan Details:
Loanable Amount: PHP 100K - PHP 3M
Terms: 12 to 36 months
π Interest Rate: As low as 1.79% monthly
π No Collateral Needed
π No Co-Maker
π No Processing Fee
⚡️Fast Approval: 2 to 4 Banking Days Processing Time
πOur Service is Available Around The Philippines
Let me help you to make your plans happen ππ»
For inquiries or for application, feel free to contact me through.
WhatsApp: +63 956 234 5817
Transfer (fast transfer) low interest and payable up to 3 years.
Thank you, and I'm looking forward to assist you. π€
Have a blessed and good day π«Άπ»