Ipinadala sa atin ang sumusunod sa pamamagitan ng Internet mula sa panunulat ng isang mag-asawang Fil-Am na mali mit sumakay sa mga cruise ships (at atin g isinalin sa wikang Pilipino):
“Kaming mag-asawa ay mali mit na sumasakay sa cruise ships bilang turista. At malimit ay mga Pinoy ang crew sa mga cruise ships na ito, na amin namang nakakausap. Kamakailan ay kumuha kami ng isang 12-araw na packag e sa Mediterraneo (Italya, Grecia, Slovenia, Albania, malamang kasali ang Turkey).
Tinanong ko sa mga waiter na Pinoy kung bakit tila hindi dumadaong sa Maynila ang mga cruise vessels na nagtutungo sa ibang mga lungsod sa Asya (tulad ng Vietnam, Taiwan, Hong Kong, Singapore, Tsina, Hapon).
“Bakit wala sa itinerary niyo ang Maynila?” tanong ko.
“Ang sagot sa akin: Noong una ho may cruises kami na humihinto sa Manila, pero masyadong matakaw ang mga taga-Customs sa atin, kaya ang management ho ay nagdesis yon na i-skip na ang Manila. Kapag dumaong ang barko sa pantalan, at umakyat na ang mga Customs inspectors, kasama pa ang pamilya nila para kumain ng libre sa barko. Tapos bago magbigay ng clearance para maka-depart ang barko, maraming hinihinging sigarilyo at mga alak.
“Sa Manila lang ho namin nai-experience ang ganito. Kaya nga ho nahihiya kaming mga Pinoy dito sa barko. Sa ibang mga Puerto sa Asya, wala namang nanghihingi.
“Karamihan sa mga bagong cruise ships ay lumululan ng dalawa hanggang tatlong libong pasahero.
Isipin mo naman ang nawawalang tourism revenues sa Pilipinas dahil sa ayaw dumaong sa Maynila ng mga cruise vessels na ito. Pero paano mapapatino ang mga taga-Customs kung ang mga taga-MalacaƱang, Kongreso, gobernador, alkalde (maging mga huwes) ay mas malaki pa kung mangurakot?”
Totoo po ang iniliham na ito sa atin, at sa iba pa sa Internet. Minabuti ko pong itampok ito sa ating pitak dahil nga sa ang turismo ay isa sa mga dapat ay “sunrise” industries ng maganda nating mga kapuluan. Ngunit ang turismo ay hindi aasenso maski ilan pang advertisements ang ating itanghal sa CNN o BBC, at maski na ano pang mga promosyon ang ating isagawa sa ibang mga bansa upang hikayatin ang tour operators na ibenta ang Pilipinas sa kani-kanilang mga bansa, habang hindi natin isinasaayos ang dalawang mahalagang bagay: ang katahimikan at seguridad (peace and order), at ang pangingikil at pang-aabuso ng mga kababayan natin na imbes ipakita ang mainit na pag-welcome sa turista, ay kinikikilan at sinasamantala sila, maging ang mga carrier (tulad ng cruise ships) ng mga opisyal ng ating pamahalaan.
Sa ilan pang mga linggo ay malalaman ng sambayanan kung sino ang mga opisyal na ihihirang ng bagong pamahalaang Aquino. Sana naman ay seryosohin na ng mga ito ang malinis at mabuting pamamahala ng mga kawanihang ipagkakatiwala sa kanila.
(banayo_at@yahoo.com)
ABANTE para sa Miyerkules, ika-26 ng Mayo, 2010
No comments:
Post a Comment